LeBron James

CLEVELAND (AP)- Nagsalansan si LeBron James ng 27 puntos at 13 assists, habang nag-ambag si Kevin Love ng 22 puntos at 18 rebounds upang tulungan ang Cleveland Cavaliers sa panalo kontra sa Charlotte Hornets, 97-88, kahapon.

Tumalon ang Cavaliers sa 21-0 lead, ngunit muling nagsama-sama ang Hornets upang makalapit sa 2 puntos na lamang sa kaagahan ng third quarter bago muling lumayo ang Cavaliers. Napag-iwanan ang Charlotte sa 59-57, subalit napanatili ng Cleveland ang kontrol at muling itinulak ang kalamangan sa double figures.

Tinapos ng Cavaliers ang third na taglay ang 21-9 run. Umiskor si James ng 7 puntos habang nagdagdag si Tristan Thompson ng 7, kasama na ang dalawang dunks mula sa assists ni Kyrie Irving. Humirit si Love ng 3-pointer sa huling bahagi ng quarter at ‘di na nakalapit pa ang Charlotte sa halos 8 puntos. Nagposte si Irving ng 16 puntos para sa Cavaliers, sariwa pa sa dalawang sunod na who road losses sa Oklahoma City at New Orleans makaraang pagwagian ang walong sunod na laro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinamunuan ni Kemba Walker ang Charlotte sa naitalang 24 puntos at nagtarak si Al Jefferson ng 14.

Sa impormasyong ipinagkaloob ng Cavaliers mula sa Elias Sports Bureau, ang 21-0 lead sa pagsisimula ng laban ang pinakamalaking panimula nila sa laro simula pa sa Portland na itinala nila ang unang 22 puntos kontra sa Boston noong 2004.

CELTICS 105 SIXERS 87

PHILADELPHIA (AP)- Inasinta ni Kelly Olynyk ang career-high 30 puntos upang pamunuan ang Boston Celtics sa 105-87 victory laban sa Philadelphia 76ers kahapon.

Tinipa ni Avery Bradley ang 15 puntos, habang hinablot nina Brandon Bass at Jeff Green ang tig-14 puntos para sa apiece Boston (8-14), tinapyas ang three-game skid.

Ipinoste ni rookie Nerlens Noel ang career-high 19 puntos para sa 76ers (2-22), sumadsad sa 0-13 sa sariling tahanan sa season na ito. Umusad papalapit ang Philadelphia sa NBA mark na may pinakamasamang kampanya sa pamamahay sa season, naitakda nila noong 1993-94 season nang simulan ng Mavericks ang 0-19.

Galing ang 76ers sa huling pagkulapso sa pagkabigo nila noong Linggo, 120-115 overtime home loss, laban sa Memphis kung saan ay humulagpos ang kanilang 18-point lead sa nalalabing 7:39 sa fourth quarter.

Kinapos naman si Tony Wroten, umentra sa Philadelphia na taglay ang scoring sa 17.5 puntos kada laro, upang makaiskor.

Bumalikwas ang Boston matapos ang 101-95 loss noong Sabado laban sa Knicks, ang larong pumutol sa New York sa kanilang 10-game skid. Tangan lamang ni Rajon Rondo ang 2 puntos sa nasabing pagkatalo habang walang naitalang iskor si Jared Sullinger.

Medyo kumilos naman ang dalawa kontra sa Philadelphia, kapwa nagtala ng tig-5 puntos. Ngunit ‘di naman sila kinailangan laban sa opensibang paggamit ng 76ers, umentra na may average na leaguelow 91.4 puntos. Naisakatuparan lamang ng Philadelphia ang 13 puntos sa second quarter at umentra sa break na napag-iwanan sa 57-38.

Nagtala si Olynyk ng 18 puntos sa kanyang 7-of-9 sa shooting, kasama na ang 3-of-4 mula sa ilalim ng arkofrom behind the arc sa half. Tumapos ito na mayroong 12-for-17 mula sa field, kabilang na ang 3-for-5 mula sa 3-point range.

Sumadsad ang Boston sa maagang butas nang magmintis ang kanilang unang siyam na field goals. Ang 14 puntos ni Olynyk ang nakatulong sa Boston upang lumapit sa 30-25 sa pagtatapos ng first quarter.

Hindi natapyas ng Philadelphia ang kalamangan sa ilalim ng double-digits matapos ang halftime.