WASHINGTON (AP) – Hindi lang pawang mandirigma ang nire-recruit ng grupong Islamic State para sa ipinaglalaban nito.
Dahil sa presensiya ng propaganda at social-media, naghahanap ang grupo ng mga magiging asawa, gayundin ng mga propesyunal, kabilang ang mga doktor, accountant at inhinyero sa pagsisikap nitong magtatag ng isang bagong lipunan sa isang territorial base na lumawak na hanggang sa malalaking bahagi ng Iraq at Syria.
Sa isang kaso, tatlong dalagita mula sa Colorado ang nakipagpalitan ng mensahe sa Twitter tungkol sa pagpapakasal at relihiyon sa mga recruiter ng IS, bago nagplanong magtungo sa Syria bitbit ang libu-libong dolyar na ninakaw nila. Naharang sila ng awtoridad sa Germany at ibinalik sa kani-kanilang pamilya nang hindi kinakasuhan.