SYDNEY (AFP) – Limang katao, na kinabibilangan ng tatlong lalaki at dalawang babae, ang takot na takot na tumakbo palabas ng isang kilalang coffee shop sa Sydney na isang lalaki ang bumihag sa napaulat na mahigit 10 katao matapos magpakita ng Islamic flag sa bintana, na nagbunsod ng lockdown sa lugar na tahanan ng mga tanggapan ng gobyerno at malalaking kumpanya.
Agad ding pinalikas ang mga residente sa paligid ng establisimyento habang daan-daang armadong pulis ang pumaligid sa Lindt chocolat cafe, na isang bandila—itim na may puting Arabic writing—ang iniladlad ng mga kostumer sa bintana.
Ipinakikita sa bandila ang shahada o pananampalatayang Islam, na nagsasabing: “There is no god but Allah; Mohammed is the Messenger of Allah.”
Hindi malinaw kung tumakas o pinalaya ang limang nakaligtas sa maghapong hostage taking.