Stephen Curry, Luke Babbitt

NEW ORLEANS (AP) – Itinala ni Stephen Curry ang walo sa kanyang 34 puntos sa overtime at nanalo ang Warriors ng 16 sunod, 128-122, kontra sa New Orleans Pelicans kahapon.

‘’It was just a tough game to win. (The Pelicans) were playing well and hitting shots,’’ sabi ni Curry. ‘’Obviously we had enough in the tank at the end to finish it up.’’

Nagdagdag si Klay Thompson ng 29 puntos para sa Warriors, na ang franchise-long winning streak ay kinabibilangan ng club-record na 10 sunod na road victories.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘’This winning streak feels great and we don’t want it to end any time soon,’’ ani Thompson.

Umiskor si Tyreke Evans ng 34 puntos para sa Pelicans bago nag-foul out may tatlong minutong natitira sa overtime.

Gumawa naman si Jrue Holiday ng 30 puntos, nine assists at limang steals para sa New Orleans, na naglarong wala si Anthony Davis ngunit nakalamang pa rin sa 107-99 sa huling 4:16 ng regulation.

‘’Our guys fought their tails off tonight. We just came up short,’’ saad ni Pelicans coach Monty Williams. ‘’To have a chance to win against the best team in the league says a lot about our guys.’’

Si Andre Iguodala ay nagkaroon ng season-high na 20 puntos habang nakaiskor si Shaun Livingston ng 12 para sa Golden State.

Matapos hindi makakuha ng isang field goal sa last quarter-and-a-half of regulation, binuksan ni Curry ang overtime sa isang pull-up jumper. Sinundan ito ni Draymond Green ng kanyang three-point play mula sa isang driving lay-up nang ma-foul ni Ryan Anderson. Nagpakawala si Curry ng isang 3-pointer mula 26 feet at makaraan ang ilang possessions, sinundan nito ito ng isa pa.

Naipasok ni Marreese Speights, na nagtapos na may 10 puntos, ang isa sa dalawang free throws sa huling 43.5 segundo ng fourth quarter upang itabla ang bilang sa 111. Hindi na nakaiskor ang dalawang koponan hanggang matapos ang regulation. Ang game-winning attempt ni Evans sa buzzer ay minadali at off-balance.

Resulta ng ibang laro:

Chicago 93, Miami 75

Washington 93, Utah 84

LA Lakers 100, Minnesota 94

Oklahoma City 112, Phoenix 88

Toronto 95, New York 90

San Antonio 99, Denver 91