LINGAYEN,Pangasinan -- Inaanyayahan ng provincial government ng Pangasinan at ng Pangasinan Chess League (PCL) ang lahat ng chess players mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na lumahok sa gaganaping 6th Gov. Amado T. Espino Jr. Cup Open Chess Tournament.
Pangungunahan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), ang torneo ay gagawin sa Dec. 28, 29 at 30 sa Pangasinan Training and Development Center sa Lingayen.
May inilaaang premyo sa Open Category na P15,000 bilang first prize, P12,000 sa second prize, P10,000 sa third prize, at P7,000 naman sa fourth prize.
Makakatanggap naman ng P5,000 papremyo ang fifth place winner, habang ang 6th to 10th placers ay mag-uuwi ng tig-P3,000; P2,000 sa 11th-15th placers, at P1,000 sa 16th-20th placers.
Para naman sa Kiddie Category (edad 14 pababa): P5,000 (first place), P3,000 (second place), P2,000 (third place), P1,000 (fourth place), P750 (fifth place), at P500 (6th to 10th place).
Mayroon ding special cash prize na P1,000 para sa top female plater, top local player, at top senior player (edad 60 pataas).
Ang registration fee para sa non-resident ng Pangasinan ay P300 para sa Open Category at P200 sa Kiddie Category. Sa mga residente naman ng probinsiya, ang pagpaparehistro ay P150 sa Open Category at P100 naman sa Kiddie Category.
At para naman sa karagdagang impormasyon o katanungan tawagan si PCL Sec. Gen. German C. Francisco, 0906-548-0641, or PCL President Juan Vicente R. Sison, 0905-385-2274. (Liezle Basa Iñigo)