COCO Martin

TINANGHAL na Best Drama Actor sa katatapos na PMPC Star Awards for TV si Coco Martin. To date, mayroon nang 33 acting awards si Coco at hindi pa kabilang dito ang mga recognition na nakuha niya mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Coco sa lahat ng mga nagtitiwala sa kanya at kasama aniya ang mga naging director niya at ang mga nakasamang artista sa pelikula man o sa telebisyon.

Sabi ni Coco, malaking tulong sa kanya ang co-stars niya kaya naibibigay niya ang mga hinihinging acting sa kanya. Sa latest movie niyang Feng Shui na official entry nila ni Kris Aquino sa MMFF 2014, umaasa ba si Coco na manalo ng award?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Well, honestly, sino ba ang aayaw sa award, di ba? Pero sa akin naman importante pa rin ‘yung box office results ng movie at kung susuwertihin at mananalo ng award, eh, isang malaking bunos ‘yan, para sa amin,” sagot ng mahusay na aktor.

First time ni Coco na maging leading man ng Queen of All Media at first time ding gumagawa ng horror movie.

“Kaya medyo nag-immerse muna ako sa character ko and sabi ko nga, si Ate Kris ang Horror Queen, so sa kanya lang talaga ako kumapit,” sey pa ni Coco.

Nag-observe siya nang husto sa kanyang mga kasamahan laluna kay Kris.

Pero kung nakaramdam si Coco ng kaba sa mga pakikipag-eksena niya kay Kris Aquino ay takot naman ang naramdaman niya sa direktor nilang si Chito Roño, na first time siyang maidirehe.

Kilalang metikuloso at perfectionist si Direk Chito kaya inobserbahan niya ito nang husto lalo na kung paano ang gagawin niyang pag-atake ng mga eksena at nakatulong naman iyon para madali siyang makapag-adjust sa shooting nila.