Naging panggising sa Cagayan Valley ang pagkakapatalsik ng kanilang head coach upang para makapag-regroup at maigupo ang Jumbo Plastic, 82-74,kahapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Na-thrown out si coach Alvin Pua sa laro matapos nitong tumawid ng court pagkatapos ng first half upang kuwestiyunin ang hindi pagtawag ng foul ng mga referee sa huling play kung saan nag-lay-up ang kanilang guard na si John Tayongtong bago tumunog ang buzzer.

``What happened was a blessing and a curse at the same time. Blessing cause we were able to get our acts together to get the win and curse because he`s (Pua) still our coach and we really look up to him,`` pahayag ni Fil-Tongan Moala Tautuaa na tumapos na topscorer para sa Rising Suns sa kanyang ipinosteng 16 puntos.

Nabigong umiskor sa first half, bumawi si Tautuaa sa second half partikular sa final period kung saan niya itinala ang 11 sa kanyang game-high na 16 puntos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasunod naman niya ang mga FIl-Am guards na sina Abel Galliguez at Randy Dilay na nagtala ng 14 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa kabiguan, bumama ang Giants, na pinangunahan ni Joseph Terso na tumapos na may 14 puntos, sa kanilang ika-ikatlong pagkatalo sa loob ng walong laro.

Sa unang laro, naiposte ng Cebuana Lhuillier ang kanilang unang back-to-back wins makaraang durugin ang baguhang AMA University, 73-55.

Mula sa gitgitang panimula na nagttapos sa iskor na 21-20, angat aang Gems, Nagsimula silang lumayo sa kagaitnaan ng third canto para itaypo ang 53-45 na kalamangan sa papasok ng final period.

At hindi pa doon nagkasya ang Gems at pinalobo pa ang nasabing kalamangan hanggang 18 puntos sa pagtatapos ng laban sa pamumuno ni La Salle big man Norbert Torres na nagsalansan ng kabuuang 21-puntos, tig-7 dito ay ginawa niya sa second at fourth period bukod pa sa 11 rebounds at 5 assists.

``Kahit paano naman may nakita na akong maturity at teamwork sa kanila. Si Norbert maganda yung naging rotation nya sa loob and I`m hoping na sana ma-sustain nila ang ganitong laro,`` pahayag ni Gems coach Boysie Zamar matapos umangat ang kanyang koponan sa barahang 4-3 panalo-talo na nagpalakas ng tsansa nilang umusad sa susunod na round.

Maliban kay Torres, tumapos ding ,may doble digit para sa gems sina Kevin Ferrer at Mar Villahermosa na nagtala ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa panig naman ng Titans na bumaba sa barahang 3-6, panalo-talo , nagtapos na topscorer si Joseph Eriobu na mayroong 14 puntos.