Binigyang-diin ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang kahalagahan ng volunteerism o “bayanihan” na isang mahalagang kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino upang maharap nang buong tapang ang anumang krisis na dadating sa buhay ng mamamayan.

“As long as we Filipinos continue to care for each other’s welfare, as long as we are willing to make sacrifices for the good of others, we can prevail over the challenges we face today,” pahayag ni Belmonte sa awards ceremony para sa Search for Outstanding Volunteers (SOV) 2014.

Ang SOV ay isang taunang search program na itinataguyod ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency ng National Economic and Development Authority (NEDA), na nagtatampok sa selebrasyon ng National Volunteer Month sa buwan ng Disyembre.

Ang pagdiriwang ng SOV na ginanap sa Batasan Pambansa complex noong Disyembre 10 ay nagbigay-parangal sa walong indibidwal at grupo dahil sa kanilang exemplary performance at dedikasyon sa serbisyo kaugnay ng volunteerism o diwa ng bayanihan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho