Winalis ng Arellano University ang season host Jose Rizal University, 25-10, 25-14, 25-16, para manatiling walang bahid ang kanilang imahe sa pagpapatuloy kahapon ng 90th NCAA women’s volleyball competition sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagtala ng game-high na 20 puntos si Dana Henson habang nag-ambag naman ng 15 puntos si CJ Rosario para pangunahan ang nabanggit na panalo ng Lady Chiefs, ang kanilang ika-walong sunod na lalong nagpalakas ng kanilang kampanya para sa asam na unang titulo.

Nagpamalas ng magandang laro sa kanilang mga nakaraang laban, biglang naging ``flat`` ang ipinakitang laro ng Lady Bombers na naging dahilan ng kanilang pagbaba sa kanilang ika-apat na pagkatalo kontra limang panalo.

Tanging konsolasyon lamang ng Lady Bombers na pinamunuan ni Rosali Pepito na nagtala ng 8 puntos ay ang pananatili nila sa ikalimang puwesto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna rito, nawalan ng saysay ang ipinosteng game-high na 22 puntos nina Joshua Manzanas at Edmar Tobias nang maungusan ng Arellano Chiefs ang JRU Heavy Bombers sa isang dikdikang 5-sets, 25-19, 26-28, 25-21, 22-25, 15-6.

Dahil sa kabiguan, nalaglag ang JRU sa barahang 2-7, panalo-talo, para sasolong ikawalong puwesto.

Nanguna naman para sa Chiefs na umangat sa barahang 6-2 at sa solong ikatlong puwesto si John Joseph Cabillan na nagtala ng 18 puntos kasunod si Benrasid Latip na maytt 15 puntos.