Nag-inhibit ang tatlong mahistrado mula sa paghawak sa mga kasong kinakaharap ni Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel fund scam.

Nagbitiw na sa nasabing kaso sina Associate Justices Rolando Jurado, Alexander Gesmundo, at Maria Teresa Dolores Gomez-Estoesta.

Ang liham sa pagbibitiw sa paghawak sa kasong plunder at graft na kinakaharap ni Estrada, ay isinumite ng tatlong mahistrado kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Kaugnay nito, ikinagulat naman ng legal counsel nina Estrada at Janet Lim-Napoles ang pag-inhibit ng mga mahistrado.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kapag naging pinal na ang pagwi-withdraw ng tatlong mahistrado sa paghawak sa nasabing mga kaso ay kukuha ng dibisyon upang humawak sa mga kaso ng senador.

Hindi pa rin nareresolba ng ant-graft court ang mosyon ni Estrada na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.