Justice Secretary Leila de Lima, accompanied by elements of the National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and Philippine National Police (PNP), held a surprise inspection at the national penitentiary's maximum security compound amid reports that convicted drug lords are still able to continue with their operations inside jail. Photo by: Linus Guardian Escandor II

Matapos ang sorpresang inspeksiyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa New Bilibid Prison (NBP), ipinag-utos ni Justice Secretary Leila De Lima ang paglilipat sa 19 convicted drug lord sa ibang selda matapos mabuking na tuloy ang kanilang ilegal na operasyon sa loob ng bilibid.

Tinungo ng NBI at ni De Lima ang Maximum Security Compound ng NBP para sa inspeksyon kung saan nakakumpiska ng mga shabu at drug paraphernalia.

Hinalughog ng mga awtoridad, partikular ang kubol ng isang Peter Co, at tumambad sa awtordidad ang mga ilegal na droga, CCTV camera, Internet service, baraha at iba pa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nabatid na mistula ring opisina ang lugar dahil may sariling mesa, carpet, centralized aircon at entertainment set kabilang ang malaking TV at mamahaling speakers.

Nakarekober din ng dalawang pahina ng yellow paper na may listahan ng mga pangalan, petsa at perang nai-remit na nagkakahalaga ng P1.4 milyon at anim na baril. Nadiskubre rin na may may sauna sa kuwarto ni Co, storage room ng alak at sikretong lagusan.

Sa kubol naman ng inmate na si Herbert Colangco, may nakuhang pera, music studio at opisina.

May tatlong vault pa na naglalaman ng walong mamahaling relo kabilang ang limang Rolex; isang Prada wallet na may P5,000 cash, Hermes wallet na may P10,000 cash, Louis Vuitton wallet na may 62,000 Thai baht, gold bracelet, check booklet, US $600, 23 Hong Kong dollars, listahan ng account para sa auto loan at iba pang dokumento.