SI Vice Ganda ang unang binigyan ng title na Phenomenal Box Office Star ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation in 2012 nang humakot ng P331.2 million ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin at naging highest grossing movie in 2012 kahit hindi iyon isinali o ipinalabas sa panahon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nang taong iyon.
Natalo lamang ito ng Sisterakas noong 2013 MMFF na kumita naman ng P342.00 million na kasama niya sina Ai Ai de las Alas at Kris Aquino. Box Office King in 2013 si Vice at Box Office Queens sina Ai Ai at Kris.
This year lang iginawa ng sequel ang Praybeyt Benjamin at may title nang The Amazing Praybeyt Benjamin na kasama ni Vice Ganda sina Richard Yap at Bimby Aquino Yap, ang bunso ni Kris Aquino. Walang kakaba-kaba si Vice at kumpiyansa siya na ang pelikula niya ang magna-number one sa MMFF 2014.
“Unang-una, si Wenn Deramas pa rin ang director namin at malaki ang tiwala ko sa kanya,” sabi ni Vice. “Siguro kapag malapit na ang showing sa December 25, pero ngayon masaya lang ako dahil nag-enjoy akong magtrabaho kasama sina Richard, Bimby, Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Tom Rodriguez. Ibang-iba ito sa unang Praybeyt Benjamin dahil dito may mga action scenes ako sa kontrabida naming si Tom. May mga stunts din akong ginawa, medyo mahirap.
“Siguro ang kinatatakutan ko kung paano ko masu-sustain, hindi man malampasan ang unang kinita ng Praybeyt Benjamin. Pero naniniwala akong mayroon kaming isang magandang pelikula na ik at ut uwa ng mga manonood. Kay Richard pa lang, natitiyak kong matatawa kayo dahil kami nga nati-take seven kapag kaeksena namin siya na seryosong-seryoso kaya natatawa kami sa kanya, siya hindi tumatawa.”
After the showing ng movie, itutuloy na ni Vice ang pagpapaopera ng throat niya para tuluyan nang maalis ang polyp sa kanyang vocal chords.
“P’wede naman akong magtrabaho pero hindi ko p’wedeng abusuhin masyado ang boses ko. Hindi rin ako p’wedeng kumanta masyado ngayon, paisa-isa lang kasi kung dadalasan ko, pipiyok ako nang bongga,” kuwento pa niya.