Isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang humiling sa mga mananampalataya na mas positibong tingnan ang kabataan katulad ng ginawa ni Pope Francis.

Ipinalabas ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ang apela upang pansinin ang kritisismo na ginagawa umano ng kabataan ang siyam na araw na Simbang Gabi bilang oportunidad na makipagtipan.

“There are those saying that they make use of the nine-day Simbang Gabi as a way to date especially if they are boyfriend and girlfriend. But this is an old way of looking at them,” pahayag niya sa isang panayam.

“I hope with our anticipation of the visit of Pope Francis, people will also have a new way of looking at young people as the pope did. We heard him tell the youth many times to go out and make a mess in their dioceses, parishes,” gagdag ni Garganta.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, nangangahulugan ito na sila ay lumabas at gumawa ng kagandahan sa mundo at sosyedad sa pag-aalok ng kanilang creativity, youthfulness sa pakikisangkot sa positibong mga gawain, at positibong pagiging saksi sa pananampalataya.

“Maybe we, Filipinos, should also look at our youth in the same way. Let’s also encourage them to go out (make change) as Pope Francis did,” saad ni Garganta.

Sinabi ng opisyal ng CBCP na umaasa siya na sa pamamagitan ng pagtalima sa Simbang Gabi, ang kabataan ay hindi lamang magiging aktibo sa kanilang parokya ngunit magiging maayos rin ang pagkakabuo ng pagkatao.

“There are instructional or formation modules or programs that are meant to encourage young people to look deeply into the reason why Pope Francis is coming. I hope our leaders especially those who are tasked to guide our young people will help these young people,” sabi ni Garganta.

Ang Simbang Gabi, na magsisimula sa Disyembre 16, ay isang karaniwang pamamaraan ng mga Pilipino bilang paghahanda sa Paso. Ang tradisyon ay dinala sa bansa ng Spanish evangelizers mula Mexico.

Ito ay unang kilala sa tawag na Misa de Aguinaldo. Ang ibig sabihin ng De Aguinaldo ay regalo, mga regalo na natatangi sa Paso. Ito ang dahilan kung bakit maagang gumigising ang mga nananampalataya ng siyam na araw bago ang Pasko para sa pagdiriwang ng misa.

Para sa mga Katolikong Pilipino, ang Simbang Gabi higit sa lahat ay pagpapahayag ng kanilang debosyon kay Maria, ang Ina ng Diyos. Sa anim na sunod-sunod na araw, “sinasamahan” nila si ito sa paghihintay ng kapanganakan ng kaniyang Anak na si Hesus, ang tagapagtanggol ng mundo. (Leslie Ann G. Aquino