IPINAGMAMALAKI ni Richard Yap ang kanyang apat na taon sa showbiz. Marami na raw siyang natutuhan na nagagamit niya sa pang-araw-araw na pagtatrabaho at pakikisalamuha sa mga kasamahan sa showbiz.
“Well, I learned a lot from doing teleserye. Siyempre, no’ng pumasok ako baguhan lang ako, so through experience, madami rin akong natutunan, Kumbaga, how to act, sa pagbitaw ng mga linya, and I guess on the job training ko rin and it’s a continuous process so you can’t stop learning,” banggit ni Richard.
Isa ring learning experience kay Richard ang pagtatrabaho niya sa pang-MMFF na The Amazing Praybeyt Benjamin.
“Marami rin akong natutunan kina Direk Wenn (Deramas) at Vice (Ganda) at sa kanilang lahat din naman. Si Alex Gonzaga marami rin akong nakuha sa kanya na p’wede ko ring magamit. Sa totoo lang, ang galing nilang lahat magbitaw ng mga linya kahit ‘yung wala sa script, off the top of their heads they can just come up with something funny,” seryoso pa ring kuwento ni Richard.
Pressure nga raw siya dahil medyo tahimik lang siya sa tabi at wala siyang masasabi sa niyang naging contribution niya sa movie.
“I’m just trying to learn from them and see how to be a better comedian also. Maybe next time, I can contribute to the movie,” banggit pa niya.
Itinuring ni Richard Yap na malaking challenge sa kanya ang mapasama sa isang comedy movie.