Inaprubahan at inendorso ng House Committee on Information and Communications Technology para sa plenary debate ang panukalang mandatory registration ng pre-paid Subscriber Identity Module (SIM) card upang makatulong sa law enforcement agencies sa pagtugis sa mga kriminal.

Ipinasa ng panel, pinamumunuan ni Rizal Rep. Joel Roy Duavit, ang House Bill 5231, o “Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act.”

Pinagsama ang siyam na panukala, inoobliga ng House Bill 5231 ang mga bibili ng SIM cards na magpresinta ng valid identification na may litrato bago sila makabili mula sa direct seller.

Sa ilalim ng panukala, ang direct seller “shall require the end user to accomplish and sign a control-numbered registration form issued by the respective Public Telecommunications Entity (PTE) of the SIM card being purchased.”

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Ipinaliwanag ni Marikina Rep. Marcelino R. Teodoro na sa ilalim ng panukalang batas, ang mga PTEs ay binibigyan ng awtorisasyon na awtomatikong i-deactivate ang serbisyo ng mga hindi narehistrong umiiral na prepaid SIM card subscriber.

Kabilang sa mga may-akda ng batas sina Reps. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), Maximo Rodriguez Jr. (Party-list, Abante Mindanao), Magnolia Rose Antonino Nadres (4th District, Nueva Ecija), Sherwin Gatchalian (1st District, Valenzuela City), Marlyn Primicias Agabas (6th District, Pangasinan), at Winston Castelo (2nd District, Quezon City).