Nasa tamang landas si Pangulong Benigno S. Aquino III sa paglaban sa kurapsyon sa bansa at katunayan ramdam ito ng sambayanan dahil sa tiwalang ipinakita ng mga mamumuhunan.

Ayon kay Senator Grace Poe, nagagampanan ni Pangulon Aquino ang pangako nito na “tuwid na daan” pero hindi naman daw ito agad matutupad.

“I believe that we are getting there. When it comes to fighting corruption and upholding transparency in government, it is a process. You don’t achieve this overnight,” ani Poe, sa paggunita na rin ng ika -10 taong anibersaryo ng kamatayan ng yumaong si Fernando Poe Jr.,

Aniya si Pangulong Aquino ang pinakamagandang panlaban sa kurapsyon dahil malaki ang tiwala sa Pangulo kaya hindi nakakaisip pa ang iba na maging kurap.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hindi rin pinalampas ni Poe na magpasalamat sa mga nagtiwala sa kanya kaya’t umangat siya sa survey.

“This means that the people recognized and liked my work,” ayon kay Poe.

Muling iginiit ni Poe na kung sino man ang magiging kandidato ng Pangulo dapat lamang na ituloy nito ang mga proyekto at programa ng pamahalaan.