MANILA (Reuters)— Nakatulong ang Vietnam upang matiyak ang kapayapaan sa iringan sa South China Sea sa Beijing sa pagsunod sa diskarte ng Pilipinas na humiling ng UN arbitration, sinabi ng bansa, sa kabila ng katotohanang tumanggi ang Beijing na makibahagi rito.

Inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng mayaman sa enerhiyang South China Sea na inaangkin din ng Brunei, Malaysia, Pilipinas Vietnam at Taiwan ang ilang bahagi. Tanging ang Brunei ang hindi umokupa at bumakod ng teritoryo na posibleng maging flashpoint sa rehiyon.

Isinumite ng Vietnam noong Huwebes ang posisyon nito sa isang UN arbitration tribunal na pinangunahan ng Pilipinas sa matagal nang iringan.

Nanawagan ang China sa Vietnam na respetuhin ang kanyang soberanya at tumanggi sa UN arbitration.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Vietnamese position is helpful in terms of promoting the rule of law and in finding peaceful and non-violent solutions to the South China Sea claims based on international law,” pahayag ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas.

“...This promotes peace and stability in our region.”

Ang China, Vietnam at Pilipinas ay pawang lumagda sa UN Convention on the Law of the Sea, isang international agreement na nagkakaloob ng karapatang galugarin at pakinabangan ang mga yamang dagat sa loob ng 200 nautical miles mula sa dalampasigan ng estado. Kapwa sinabi ng Hanoi at Manila na lumagpas sa limitasyon ang Beijing.

“Vietnam’s legal opinion puts political weight on the Philippine legal case,” sabi ni Professor Rommel Banlaoi, security analyst, sa telebisyon.

“What Vietnam did was in fact supporting, reaffirming and even rallying behind the Philippine legal action and that’s good for our national interest.”