Nakatakdang sampahan ng kasong multiple murder at frustrated murder sa City Prosecutor Office ang naarestong suspek sa pananambang sa convoy ni Iligan Congressman Vicente Belmonte Jr. na ikinamatay ng tatlong body guard nito at ikinasugat ng mambabatas at tatlong kasamahan nito sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Disyembre 11.

Umaasa ang kampo ni Belmonte na matukoy at mahubaran ng maskara ang tunay na utak ng pananambang kasabay ng pagsasampa ng kaso.

Nadakip ng Special Investigation Task Group (SITG) Belmonte noong Sabado ng matunton ng pulisya ang pinagtataguan ng suspek na si Dominador Tumala 62, ng Bgy. Osmeña, Zamboaga del Norte.

Naniniwala si Belmonte, na susunod na ang utak ng pananambang sa oras na ikanta ni Tumala.

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

Sinabi ng pulisya ang pagkahuli ni Tumala ay magbibigay daan upang malaman ang kung sino ang nag-utos sa kanya upang makamit ng mga biktima ang hustisya.

Ipinagharap na ng kasong multiple murder, multiple frustrated murder si Tumala sa provincial prosecutor’s office sa Misamis Oriental.

Hawak ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-10) si Tumala at upang dalhin iharap at kay Belmonte kung ito ba ang kabilang sa mga tumambang sa kanila.