Walang tiket o special passes na kinakailangan ang mga taong nais na dumalo at makiisa sa banal na misa na idaraos ni Pope Francis sa Luneta.

Nilinaw ng Papal Visit Steering Committee na bukas sa publiko ang misa ni Pope Francis sa Quirino Grandstand na gaganapin sa Enero 18, 2015.

Taliwas ito sa mga ulat na kinakailangan muna umanong magprisinta ng tiket at special passes ang mga taong nais dumalo sa banal na misa na pangungunahan ng Papa sa Luneta.

Ayon pa kay Fr. Rufino Cescon Jr., wala ring inorganisang vigil bago ang misa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Aniya, tanging mga foreign-based Filipino priest lang ang kailangang kumuha ng accreditation kung gustong maging isa sa mga paring makakasama ng Papa sa misa.

Mula sa pakikipagpulong sa mga kabataan sa University of Sto. Tomas (UST), didiretso ang Papa sa Luneta para sa kanyang concluding concelebrated mass.

Una nang napaulat na ang misa ni Pope Francis sa Tacloban City Airport sa Enero 17 ang magiging limitado kaya mamamahagi ng tiket o special pass para makadalo dito.

Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa bansa sa Enero 15 – 19, 2015.