Pacquiao Pics

Umaasa rin ang Malacañang na ang megafight sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr. at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ay magaganap na.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. kahapon na pangarap ng bawat Filipino sports fan na mapanood ang sagupaan ng wala pang talong American fighter at ng Pambansang Kamao.

“Matagal na pong inaasahan ng sports fans ‘yan, lalo na po ng ating mga kababayang masigasig na sumusuporta sa ating Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao,” sabi ni Coloma sa panayam ng government station na dzRB nang tanungin kung ano ang kanyang komento tungkol sa hamon ni Mayweather kay acquiao para sa isang laban sa Mayo 2 ng susunod na taon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Sana nga po ay mapagbigyan na ‘yung matagal nang inaasamasam ng karamihan,” dagdag niya. Ang pag-asang magaganap na ang “Fight of the Century” ay mas lumakas nang magbigay ng petsa si Mayweather para rito sa US television noong Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila).

Napaulat na sinabi ni Pacquiao na sisiguraduhin niyang mangyayari na ang laban kahit pa mangahulugan ito na tatanggap siya ng mas maliit na hati sa bayad.

“I am not after material things so money won’t be an issue,” ang umano’y nasambit ni Pacquiao nang masabihan tungkol sa posisyon ni Mayweather na dapat ay mas malaki ang kanyang makuha sa revenue shares. (JC Bello Ruiz)