Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) na unang namataan sa silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), humina ang naturang LPA nang tumama ito sa kalupaan ng Eastern Visayas.

Paliwanag ng ahensya, nakatulong sa mabilis na pagkalusaw ng namumuong sama ng panahon ang nararanasang malamig na temperatura sa Luzon.

Pero, babala ng PAGASA, patuloy pa rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa, partikular na sa Southern Luzon at Metro Manila dahil sa tailend ng cold front.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Wala pang ibang weather disturbance formation na namataan sa bisinidad ng Philippine area of responsibility (PAR).