Prague (AFP)– Sinabi ni reigning Wimbledon champion Petra Kvitova ng Czech Republic na target niyang mas mapaganda ang kanyang Grand Slam performances habang nakatuon ang pansin sa world number one spot para sa 2015.

“Next year I have some clear goals in my mind,” isinulat ng 24-anyos na left-hander world number four sa kanyang official blog. “I want to have better results at the Grand Slams and of course one day I want to be number one in the world.”

“I have been close already, but I really hope that day will come,” dagdag nito.

Napanalunan ni Kvitova ang kanyang ikalawang titulo sa Wimbledon nitong taon, ngunit umabot lamang siya sa ikatlong round ng French at US Opens at natalo sa unang round ng Australian Open.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Wimbledon was the highlight of the year. I won my second Grand Slam and to have two Wimbledon trophies in my parents’ house means absolutely everything to me,” ani Kvitova, na nagwagi rin sa torneo noong 2011.

Noong Nobyembre, iginiya ni Kvitova ang Czech Republic sa ikatlo nilang Fed Cup trophy sa loob ng apat na taon matapos talunin si Angelique Kerber ng Germany sa finals sa Prague.

Nag-umpisa nang magsanay si Kvitova para sa darating na season sa ilalim ng bago niyang fitness coach na si Alex Stober, na nakuha niya matapos magretiro ang Chinese star na si Li Na.

“He has a lot of experience and he knows what to do. He arrived with a very specific plan to make me stronger and faster on court,” saad ni Kvitova.

“The exercises we are doing are very focused on tennis and on my game specifically so that I can play tennis the ‘Petra’ way,” aniya.