BAGHDAD (Reuters) – Lumusob ang mga mandirigma ng Islamic State sa isang bayan sa Anbar province sa kanluran ng Iraq noong Sabado, pinatay ang 19 na pulis at inipit ang iba pa sa loob ng kanilang headquarters, sa huling serye ng pag-atake sa desert region na kontrolado nito ang malaking bahagi ng teritoryo.

Kinubkob ng Islamic State ang bayan ng al-Wafa, 45 km (27 miles) sa kanluran ng kabisera ng Anbar, ang Ramadi noong Sabado matapos simula ang pag-atake noong Biyernes ng umaga.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>