Dinomina ng mga kabataang boksingero na nasa ilalim ng Team Pacquiao–Libagan, General Santos ang boxing event habang hinablot ng Cebu City ang unang overall title sa pagtatapos noong Sabado ng gabi ng 2014 Batang Pinoy National Championships sa Bacolod City, Negros Occidental.

Kinolekta ng Queen City of the South ang kabuuang 52 ginto, 41 pilak at 45 tanso para sa kabuuang 138 medalya at agawin ang pangkalahatang korona sa hindi nagpadalang delegasyon, maliban sa personal na sumaling swimming team, na Quezon City.

Pumangalawa ang 2012 champion na Baguio City (26-22-15= 63) habang ikatlo ang Zamboanga City (26-7-28=61). Ikaapat ang host Bacolod City (24-27-35=86) habang ikalima ang Quezon City (20-20-14=54). Ikaanim ang Muntinlupa (20-10-12= 42) habang ikapito ang Iloilo City (17-8-14=39).

Ikawalo ang Davao City (11-15-12=38) habang ikasiyam ang Province of Pangasinan na ilang araw naipit ng bagyong ‘Ruby’ bago nakalahok sa torneo sa huling dalawang araw ng torneo (11-9-19=39). Ikasampu ang LSA (11-6-3=20).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iniuwi naman ng walo kataong Team Pacquiao ang 2 ginto, 2 pilak at 2 tanso para sa Libagan, General Santos para tanghaling kampeon sa boxing event sa torneo na para sa kabataang atleta na may edad 15 pababa.

Nagwagi ng ginto para sa Team Pacquiao sina John Peter Patrick Cagumay sa flyweight category at Ar-Jay Recopelacio sa Mosquito division. Pilak naman sina Reymark Alicaba sa paperweight at john Marlan Genova sa bantamweight. May tanso si Redeem Recopelacion (light pinweight) at Justin Ryan Loberterros (vacuum-weight).

Kabuuang 125 na local government units (LGU’s) ang nakuwalipika sa ginanap na kampeonato matapos na lumahok sa isinagawang tatlong qualifying leg sa Pagadian City, Zamboanga Del Norte para sa Mindanao, at maging sa Kalibo, Aklan para sa Visayas leg at Naga City para sa Luzon leg.