Hinimok ng isang party-list solon noong Disyembre 13, 2014 ang Civil Aeronautics Board (CAB) na burahin na ang fuel surcharge na ipinapatong ng mga airlines company sa mga pamasahe sa eroplano.

“To allow passengers to enjoy lower airfares, the CAB should eliminate the fuel surcharge mechanism,” giit ni Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association Rep. Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association sa isang pahayag.

“Better yet, it should be replaced with a fuel discount scheme that will compel airlines to automatically lower fares as oil prices go down,” dagdag ni Ty, binigyang diin ang patuloyna pagbaba sa presyo ng langis sa kasalukuyan.

Bumaba ang presyo ng langis sa $60 kada bariles, nabawasan ng 47 porsiyento mula sa $107 noong Hunyo ng taong ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tinukoy ni Ty, isang senior member ng House Transportation panel, na ang fuel surcharge ay nasa P500 para sa domestic passenger at umaabot sa $400 para naman sa international passenger. (Ellson Quismorio)