LEGAZPI CITY - Sinuwerteng makaligtas mula sa tangkang pagpaslang sa 10 miyembro ng isang pamilya dahil sa agawan sa lupa sa Barangay Bariis, Legazpi City sa Albay.

Ayon kay Maria Logronio, matagal nang nakikitanim sa kanilang lupa ang mga suspek na sina Ivan Gonzales at Josefina Marcayda mula noong buhay pa ang kaniyang asawa.

Makalipas ang ilang taon, nagpasya silang mag-anak na bawiin ang kanilang ari-arian dahil pinakikialaman na ang ilan sa kanilang mga pananim.

Lalo rin umanong lumawak ang sakop ng lupang inookupahan ng mga ito.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Masuwerte na lamang at nakailag siya sa bala ngunit dumaplis ito sa kanyang tagiliran habang nagsitakbuhan ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.