Hindi muna matutuloy ang laban ni Genesis “Azucal” Servania para sa World Boxing Organization (WBO) interim super bantamweight crown sa Enero 31, 2015 sa Bacolod City.

Ayon kay ALA Promotions President Michael Aldeguer, maisasantabi muna ang naunang plano para kay Servania dahil sasabak muna ito sa isang regional title fight sa Davao City sa Pebrero.

“The interim title fight won’t push through,” sabi ni Aldeguer sa Sun.Star Cebu. “We will go back to the original plan of (Jason) Pagara, Servania and Arthur (Villanueva) fighting in Davao in the first week of February.”

Kinansela ang interim title fight ni Servania dahil ipagtatanggol ni WBO super bantamweight king Guillermo Rigondeaux ang kanyang korona sa laban kay Hisashi Amagasa ng Japan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“It was supposed to be in Bacolod if Servania fought for the title. We will have to go back to the original plan of having Jason Pagara as the main event in Davao. We are still looking around for venues,” giit pa ni Aldeguer.

Hindi rin sigurado si Aldeguer kung kailan makakamit ni Servania ang kanyang title shot subalit pinag-iisipan pa nilang mabuti ang mga opsiyon.

Rated No. 2 ng WBO si Servania, No. 9 sa International Boxing Federation (IBF) at 28th naman sa World Boxing Council (WBC).

“We are looking at other organizations too,” dagdag pa ni Aldeguer.

Matagumpay na naidepensa ni Servania ang kanyang WBO Inter-Continental Super Bantamweight title via 10th-round stoppage kay Mexican Jose Cabrera sa World Trade Center sa Dubai para sa unang international show ng ALA Promotions.

Pinabagsak ni Servania si Cabrera sa second round bago sumuko ang Mexican dahil hindi na nakasagot para sa pagsisimula ng 10th round.