Isa sa mga responsable sa pananambang sa convoy ni Iligan City Lone District Rep. Vicente “Varf” Belmonte Jr sa Laguindingan, Misamis Oriental ang naaresto na ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Dominador Tumala, 60, dating kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA), ng Osmeña, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Laguindingan Police Station chief, Sr. Insp. Brian Inojaldo, si Tumala ay naaresto dahil napilitan lumapit sa isang tindahan upang bumili sana ng makakain.

Napansin na kahina-hinala ang mga kilos ni Tumala kaya agad ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya na nasa kasagsagan din ng combat at clearing operation sa buong Laguindingan.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Nabatid na nagkunwari pang baliw ang suspek pero nabisto rin dahil matipuno ang katawan at nagkaroon ng sariling cellphone at P1,000 bill.

Matatandaan, tinambangan ng grupo ng suspek ang convoy ni Belmonte Jr. habang paalis sa Laguindingan Airport pauwing Iligan City na ikinamatay ng police escorts ng mambabatas at dalawang sibilyan Abasolahabang tatlo ang nasugatan.

Inaakusahan ni Belmonte si Iligan City Mayor Celso Regencia na utak nang pananambang subalit mariin naman itong itinanggi ng dating city police director ng Iligan.