Winalis ng San Beda College (SBC) ang San Sebastian College, 3-0, para makahakbang palapit sa asam na unang titulo sa ginaganap na 90th NCAA soft tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Pinadapa ng tambalan nina Chynna Mamawal at Princess Catindig ang duo nina Denise Javate at Monica Somera, 4-1, sa unang doubles match bago sinundan ni Alyanna Villoria ang kanilang panalo sa pamamagitan ng 4-0 paggapi kay Diane Viloria sa sumunod na singles match.

Pormal namang sinelyuhan nina Virginia Perez at Emily Vasquez ang kanilang tagumpay sa pamamagitan ng pagblangka kina Lieshel Frencillo at Aidelvize Santos, 5-0.

Kailangan na lamang ng San Beda, na nauna nang winalis ang kanilang pitong laro sa nakaraang unang round, na pataubin ang University of Perpetual Help at ang reigning two-time champion College of St. Benilde (CSB) para makamit ang hangad na unang titulo sa event na napahanay na sa regular events ng liga may dalawang taon na ang nakararaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngunit ayaw pang magdiwang ni San Beda coach Jovy Mamawal.

“In the last two years, St. Benilde always beat us in the playoff for the title so we need beat them first before anything else,” ayon kay Mamawal.

Samantala, tila naman na pinagsarhan na ng Perpetual ng pinto ang St. Benilde para sa target nilang ikatlong sunod na kampeonato kasunod sa kanilang paggapi sa huli, 2-1, na nagpalakas naman ng kanilang tsansa para sa finals.

Inungusan nina Noreen Subol at Elleen Peralta ,5-4, sina Tao Yee Tan at Pen Loreto bago tinalo ni Ana Saguiped si Patricia Paez,4-1, para ibigay sa Lady Altas ang panalo.

Upang makapuwersa ng laban sa kampeonato, kailangan ng Lady Altas na talunin ang Lady Stags at ang Red Lionesses.