Maliit na porsyento lamang at hindi na kailangan ang dagdag na pondo para makumpauni ang mga nasirang paaralan sanhi ng bagyong Ruby, iniulat ng Department of Education.
Batay sa ulat ng Disaster Risk Reducation and Management Office ng DepEd, 101 ang mula sa 9,193 l paaralan na apektado ang nagkaroon ng maliit o malubhang sira.
“Repair and rehabilitation of schools can be covered by the existing budget and will not require supplemental allocations,” pahayag ng DepEd.
Agad ding kumilos ang mga school officials upang maibalik ang klase sa mga apektadong lugar, dagdag ng DepEd.