MONACO (AP) — Simula nang maitatag ang Monaco noong 13th century, sa unang pagkakataon ay isang royal family ang nagkaroon ng kambal na anak noong Huwebes, at dose-dosenang cannons ang pinaputok upang ipagdiwang ito.
Ipinanganak ni Princess Charlene ang anak nila ni Prince Albert II na ang isang babae at isang lalaki. Ang babae ay pinangalanang Gabriella Therese Marie at Jacques Honore Rainier naman sa lalaki — ang magiging tagapagmana ng Grimaldi dynasty.
Iniluwal si Gabriella dakong 5:04 ng hapaon (1604 GMT) at sumunod ang kanyang kapatid na si Jacques pagkalipas ng dalawang minuto, ayon sa pahayag ng palasyo.
Ang Monaco ay may lawak na two-square kilometer (0.8 square mile) at pinalilibutan ng mga paupahan at magagarbong tindahan sa French Riviera at may 30,000 populasyon.
Si Albert na anak ng yumaong American actress na si Princess Grace, ay nagkaroon ng problema sa kanyang mga subject noong siya ay nag-aaral. At pinakasalan niya si Charlene Wittstock, ipinanganak sa Zimbabwe, South Africa.
Mayroong dalawang dahilan upang magsaya ang tiny royal state.
“This is going to create an immense joy. Immense!” pahayag ni Isabelle Roux, isang residente sa Monaco. “They are awaited like the messiah. … Everyone is talking only about that.”
“Two babies for the price of one. I think it’s very good for the image,” sabi ni Adelaide de Clermont-Tonnerre, editor-in-chief ng Point de Vue. “With twins, there’s always an extra interest.”