Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi apektado ang morale ng pulisya kaugnay sa ipinalabas na 60-day suspension order laban sa kanilang pinuno na si Director General Alan Purisima.

Ayon kay PNP Public Information Office head Chief Supt. Wilben Mayor, nananatiling mataas ang morale ng pulisya at walang epekto sa kanilang hanay ang pagsuspinde sa kanilang PNP chief.

Giit ni Mayor patuloy sa pagtatrabaho ang mga pulis partikular sa pagbibigay seguridad sa publiko.

Idinagdag ni Mayor na nananatili pa rin ang PNP chief sa kanyang official residence sa kampo Crame dahil suspendido lamang ito at hindi tinanggal sa serbisyo.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Samantala, pinaplantsa na rin sa ngayon ng National Police Commission (Napolcom) ang iba pang kautusan upang magabayan ang itinalagang officer-in-charge ng pambansang pulisya na si Deputy Director General Leonardo Espina.

Nakatakdang ipalabas ng Napolcom ang mga panuntunan para kay Espina sa mga susunod na araw.