Pinagtibay ng Administrasyong Aquino na si Deputy Director General Leonardo Espina ang kasalukuyang pinuno, bilang officer-in-charge, ng PNP at dapat tumalima ang mga pulis sa kanyang mga direktiba.
Mariing inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang kautusan na ang sinumang pulis na susuway kay Espina at hindi kikilala sa kanyang awtoridad ay agad na sisibakin.
Aniya, nagsimula nang maghanap ng itatalagang PNP chief kapalit ni Purisima na magreretiro na rin sa 2015.
Napag –alaman na si Espina ay hindi na rin magtatagal sa serbisyo kaya sinusuri na ang track-record ng mas batang mga papalit para mapunan ang pinuno ng PNP.
Nagpahayag si Espina na may pagbabagong gagawin ang kanyang termino sa Philippine National Police para sa kapakanan ng publiko at pagpabuti ng imahe kapulisan sa buong bansa .
“Ang sinoman na mapapatunayang nagkasala at umaabosong mga pulis ay agad sisibakin sa serbisyo,” paniniyak ni Espina.