Pinugutan sa Saudi Arabia noong Biyernes ang isang Pilipino na hinatulan sa pagpatay sa isa sa kanilang mamamayan, sinabi ng interior ministry.

Binaril at napatay ni Carletto Lana ang Arabo na si Nasser al-Gahtani bago niya ito sinagasaan, iniulat ng Saudi Press Agency (SPA).

Isinagawa ang pagbitay kay Lana sa Riyadh.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpahayag ng kalungkutan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagbitay kay Lana kasabay ng pangakong magbibigay ng karampatang ayuda sa pamilya nito sa pagaayos ng agarang repatriation ng labi ng naturang Pinoy.

Ayon sa isang AFP tally, may 80 banyaga sa Saudi ang binitay ngayong taon, sa kabila ng pagkabahala ng pandaigdigang komunidad sa international sa bilang at sa proseso ng pagpataw ng hustisya.

Mahigit two-thirds ng mga pagbitay ngayong taon ay isinagawa sa nakalipas na apat na buwan.

Sa umiiral na batas sa Saudi Arabia sa ilalim ng Islamic Sharia Law, may katumbas na parusang kamatayan ang mga karumaldumal na krimen na gaya ng panggagahasa, pagpatay, pagabandona, drug trafficking at armed robbery. (Agence France-Presse at Bella Gamotea)