Mac Baracael of Barangay Ginebra and Mark Isip of GlobalPort wrestle for the ball during intense PBA action at Ynares Center in Antipolo City.    Photo by Tony PIonilla

Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

5 p.m. Alaska vs. Meralco

Ikatlong semifinals seat ang nakatakdang pag-agawan ng Alaska at Meralco sa kanilang pagtatapat ngayon sa knockout second phase ng quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umusad sa ikalawang yugto sa playoffs ang third seed Aces matapos dispatsahin ang 10th seed NLEX Road warriors, 82-72, habang sumunod naman sa kanila ang 6th seed Bolts nang patalsikin ang dating kampeon at 7th seed Purefoods Star Hotshots, 77-65, sa mga larong idinaos noong nakaraang Disyembre 11 sa Cuneta Astrodome.

Sa kabila ng kanilang naging pagdurog sa kanilang nakaraang pagtatagpo sa eliminations na binanasagang “Halloween Massacre” kung saan tinambakan nila ang Bolts ng 41 puntos, naniniwala si Aces coach Alex Compton na ibang Meralco na ang kanilang makakalaban ngayon.

“If before the start of the tournament I considered them as the dark horse, I also put them as one of the teams which has a legitimate chance of winning the title,” pahayag ni Compton.

Ang mataas na respeto sa Bolts ay hinugot ni Compton sa kanyang pagkakakilala sa abilidad ng mentor ng koponan na si Norman Black.

“These are traits of a coach Norman Black-mentored team – scrappy, bunch of hard-working guys committed to winning,” giit ni Compton.

Maliban aniya sa mga nasabing manlalaro, hindi rin matatawaran ang mahuhusay na assistant coaches na katulong ni Black sa bench na kinabibilangan nina Ronnie Magsanoc, Luigi Trillo at Jamike Jarin.

“These guys are champion coaches and seeing them under one team means the squad is really formidable.”

Para kay Compton, matinding digmaan ang kanilang susuungin kung saan mahigpit na labanan sa depensa ang tiyak na paiiralin.

“It’s going to be a defensive struggle. It will be an effort game. We love to play defense, we press a lot and it’s no secret,” ayon pa kay Compton.

“Meralco’s scheme of things are also focused on the defensive end. They’re one of the most hard-working teams in the league,” dagdag nito.

Sa kabilang dako, ang kanilang naging panalo sa Purefoods ang inaasahan namang magiging hudyat para sa mga susunod pang mga pangyayari para sa Bolts.

“Siguro ito na ‘yung tamang panahon,” pahayag ni Bolts ace guard at Gilas standout Gary David.

“Ang mentality kasi namin, hindi basta maglaro lang. Kailangan ang mentality mo, manalo. Siguro ito na ‘yung chance namin para umangat,” dagdag pa nito.

At gaya ng sinabi ni Compton, patuloy na magiging prayoridad ng Bolts ang kanilang depensa pagdating sa mahalagang laro na maghahatid sa kanila sa inaasam na semifinals berth.

“Whether we struggled or not, defense is still a priority. We’ve got a lot of defensive-minded guys. We are hard, gritty, and play with an annoying type of game that bothers other teams. We have to stick to that role,” ayon naman sa isa pang Gilas standout sa hanay ng Bolts na si Jared Dillinger.