Ang Pangatlong Linggo ng Adbiyento – idinaraos ngayong taon sa Disyembre 14 – ay tradisyonal na tinatawag na Gaudete Sunday (Gaudete - Latin para sa “magalak”), dahil “magalak” ang unang salita para sa entrance antiphon o Introit sa misa ngayon, mula sa Filipos 4:4,5: “Magalak kayong lagi sa Panginoon; muli kong sasabinin, magalak! Papalapit na ang Panginoon.” Sapagkat isang Linggo na lamang bago mag-Pasko, ramdam sa liturhiya ang pananabik. “Umawit” at “magalak” ang maririnig nang paulit-ulit sa mga pagbasa ngayong pangatlong Linggo, nagbibigay-diin sa ligaya ng pagdating ng Panginoon.

Ang pangatlong kandila, o ang Shepherds’ candle, ay sinisindihan kasama ang dalawang iba pa – tatlong kandila, na nangangahulugan ng pag-aasam, panghahangad, at kagalakan, ang nagpapagunita sa atin na nagsugo ang Diyos ng Kanyang mga anghel upang iproklama ang Kanyang pagdating upang maipamahagi ng sangkatauhan ang Mabuting Balita. Ang Linggo ay sinasagisag ng Advent wreath na may kulay rosas o pink na kandila, na kumakatawan sa unang dalawang Linggo ng Adbiyento. Sa tradisyon ng kalendaryo ng Simbahan, tinatawag din itong Rose Sunday.

Noong ikalimang siglo, ang Panahon ng Adbiyento ay nagsimula bilang pag-aayuno sa loob ng 40 araw bilang paghahanda sa Pasko, na nagsisimula sa araw pagkatapos ng Kapistahan ni St. Martin of Tours sa Nobyembre 12, tinatawag na “St. Martin’s Lent”. Noong ikasiyam na siglo, pinaigsi ang mga araw ng Adbiento sa apat na linggo, na prineserba ang karamihan sa mga katangian ng penitential rites.

Ang Gaudete Sunder ang katapat ng Laetare o Mid-Lent Sunday, na nagkakaloob ng kaparehong pahinga na halos kalahit ng panahon ng penitensiya, at nagpapahiwatig ng nalalapit na pagdating ng Panginoon. Tulad sa Kuwaresma, nagsusuot ang pari ng lila sa Adbiyento, nguint sa Gaudente Sunday na nakaabot sa kalahit ng naturang panahon, pinagagaan ng Simbahan ang pakiramdam, at maaaring magsuot ang pari ng kulay rosas na pananamit. Hinihimok ng pagpapalit ng mga kulay ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang kanilang preparasyong espirituwal, lalo na sa pananalangin at pag-aayuno para sa Pasko. Ipinahahayag nito ang galak ng pagkilala ng “Messenger of the Light who shines from beyond the veil of violet”.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Habang papalapit ang Pasko, binibigyang diin ng Simbahan ang kagalakan ng araw ng muling pagdating ng Panginoon sa kaluwalhatian upang pangunahan ang mga mananampalataya tungo sa Kanyang Kaharian. Kaya itinuturing ang pangatlong Linggo bilang pinakamahalaga at ang imposisyon ng apat na Linggo ng Adbiyento. Sa misa, palagiang tinutukoy ang pangalawang pagdating ng Panginoon, na may diin sa karagdagang senyales ng kagalakan sa araw na iyon.

Ang Gaudete Sunday ay ipinagdiriwang din sa isang bagong imbitasyon – hindi na hinihiling ng Simbahan sa mga mananampalataya na sambahin “ang Panginoong darating” kundi nananawagan ito sa kanilan na sambahin ang Panginoon “who is now nigh and close at hand”.