Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa kalahating milyong halaga ng shabu nang salakayin ang sinasabing tiongkean sa Dasmariñas City, Cavite kahapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police Diretor Sr. Supt. Jonnel Estomo, dakong 6:00 ng umaga sa bisa ng search warrant, sinalakay ng pinagsamang puwersa ng PIB, SWAT, MPU at RPSB ang bahay nina Patani Sultan, Hadji Norhanesa Monongiring at Rodolfo Pontecha sa nasabing barangay.

Nasamsam ng raiding team ang nasa 248 sachet ng shabu, isang kalibre .38, dalawang kalibre .45, isang kalibre .22, isang airgun, mga magazine at mga bala.

Dahil sa mga CCTV at masikip na lugar, nabigo ang mga awtoridad na madakip ang target ngunit apat na katao ang inimbitahan upang isailalim sa imbestigasyon.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!