Nagpahayag na si Floyd Mayweather Jr. na handa na niyang labanan si Manny Pacquiao sa Mayo sa pinakaabangang laban na magiging pinakamayaman sa kasaysayan ng boksing.
Humiling si Mayweather ng negosasyon para maganap ang laban, ngunit nagbabala siyang huwag umasa si Pacquiao na kikita ng kasinlaki ng perang kikitain nito.
‘’You lost twice and now you’re coming back begging for the same money?’’ tanong ni Mayweather. ‘’That’s not gonna happen.’’
Sa isang panayam sa Showtime network mula sa isang fight card na ipino-promote niya sa San Antonio, sa unang pagkakataon ay natawag si Mayweather na gawin na ang laban at nagbigay pa siya ng petsa sa Mayo 2.
Sinabi niya na hindi siya kundi ang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum, ang matagal nang balakid kaya hindi nangyayari ang laban sa nakalipas na limang taon.
‘’Floyd Mayweather is not ducking or dodging any opponent,’’ ani Mayweather. ‘’Bob Arum is stopping the fight. We have been trying to make this fight happen for many years behind the scene.’’
Ginipit ni Pacquiao si Mayweather upang isakatuparan ang laban noong nakaraang buwan, sinabing panahon na para maganap ang labang inaabangan ng lahat. Sinabi ni Arum na nakikipag-usap na sila kay CBS Corp. chairman Les Moonves tungkol sa laban.
Ang CBS ang nagpapatakbo sa Showtime, na nakakontrata kay Mayweather para sa dalawa pang laban sa Mayo at Setyembre.
Inulit ni Mayweather ang mga naunang paratang kay Pacquiao na aniya’y ayaw magpa-blood test bago ang laban upang ito ay mangyari limang taon na ang nakalipas. Sinabi rin niya na inalok niya si Pacquiao ng $40 milyon para sa laban, ngunit tumanggi ito.
Sinabi ni Mayweather, na walang pang talo sa 47 laban nito, na malaki ang kanyang tiwala na matatalo niya si Pacquiao at sabik nang bumida sa nakapakagarbong laban na ito.
‘’I know that he’s not on my level,’’ ani Mayweather. ‘’The fan would love to see the fight. And, of course, I want to go out with a bang.’’ (Tim Dahlberg/AP)