Juday with the members of Bet On Your Baby Birthday Club

NAGPASALAMAT si Judy Ann Santos-Agoncillo sa lahat ng mga sumusuporta sa top-rating game show niyang Bet On Your Baby sa pamamagitan ng maagang pamasko at birthday bash para sa unang 20 members ng Bet On Your Baby Birthday Club.

Ang 20 cute na toddlers ay nakapasok at naka-bonding ang award-winning host sa loob ng Baby Dome – isa sa napakaraming regalo para sa kanilang pinagsabay na Christmas at birthday party celebration.

“Sa lahat ng mga bumoto, maraming salamat po. Kayo ang inspirasyon namin para pagbutihin namin ang mga trabaho namin at maging role model sa inyong lahat,” ani Juday.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Ang actress turned game show host ay pinarangalan bilang Best Game Show Host sa PMPC Star Awards for TV at tumanggap ng prestihiyosong Makabata Star sa 2014 Anak TV Seal Awards.

May isa pang gaganaping engrandeng birthday party ngayong Disyembre sa iba pang Bet On Your Baby Birthday Club members na ngayong buwan ng Pasko ang kaarawan. Inaanyayahan na rin ang mga January birthday celebrants na may edad 2-4 na mag padala ng kanilang cutest photo kasama ang pangalan, edad, birth date, address, at contact number sa [email protected].

Tampok sa episodes ng Bet On Your Baby ngayong linggo ang babies na may mga magulang na may kakaiba ngunit magiting na hanapbuhay. Napapanood si Juday sa Bet On Your Baby araw-araw, 5 PM, bago mag-Bagito sa ABS-CBN.