SRR XV

PINAGSAMA-SAMA ng Regal Entertainment, Inc. sa pinakamalaki at nakakatakot na Shake, Rattle & Roll XV ang apat sa hot actors ngayon na sina Dennis Trillo, Matteo Guidicelli, JC de Vera at Daniel Matsunaga.

Total Christmas package ang tawag ng Regal sa kanilang entry sa Metro Manila Film Festival 2014 dahil equally hot actresses of the generation din ang kanilang female leads na sina Lovi Poe, Carla Abellana at Erich Gonzales plus napakaganda pa ng mga istorya ng tatlong episodes nila.

Si JC ang bidang lalaki sa “Ahas” episode na dinirek ni Dondon Santos. Magkasama naman sina Matteo at Daniel sa “Flight 666” na dinirek ni Perci Intalan at si Dennis naman sa “Ulam” story.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Litaw na litaw sa trailer ng SRR XV ang kaguwapuhan, galing at tapang nila sa pakikipaglaban sa mga halimaw, multo, maligno at iba pang alagad ng kadiliman.

Sa apat na lead actors, hindi na bago sina JC at Dennis sa paggawa ng horror films. Pero nanibago sila sa story at execution ng kanilang mga eksena. Nawindang si JC dahil sa dambuhalang ahas siya nakipagsagupaan.

Naranasan naman ni Dennis sa “Ulam” na sapian ng kung anu-anong sumpa kaya nagdusa siya sa inilagay na prosthetics sa mukha at katawan. Kaabang-abang ang finale ng episode nila ni Carla na first sa history ng franchise ng SRR na ikagugulat ng mga manonood.

Bagito si Matteo sa paggawa ng episode ng SRR pero tumindi ang excitement at nerbiyos niya habang nakikipaglaban sa malignong naghasik ng lagim sa loob ng eroplano. Nagkagalus-galos at halos napilayan si Matteo sa shooting.

Piloto ang role ni Daniel, na muling pinainit ang interes ng publiko sa kanya nang manalo siya sa PBB All In. Hindi mabibigo ang followers ng Japanese-Brazilian model na piniling maging Filipino citizen na matunghayan ang kaguwapuhan ng kanilang idolo. Nabiyayaan na kasi si Dandan ng permanent residency sa ating bansa.

Bukod sa lead stars ng bawat episode, kasama rin sa SRR XV ang iba pang mga artista gaya nina John “Sweet” Lapus, Kim Atienza, Kiray Celis, Melai Cantiverosa, Jason Francisco, Khalil Ramos, Betong Sumaya, John Spainhour, Arlene Muhlach, Ariel Rivera, Alice Dixson, at marami pang iba.