Isa umanong prayer area para sa mga nahatulang Muslim ang dalawang palapag na istruktura sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) na unang napaulat na ipinatayo umano ng convicted shabu tiangge operator na si Amin Boratong.

Ito ang resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) na iniutos ni Justice Secretary Leila de Lima

Ayon BuCor Director Franklin Bucayu, naisumite na niya kay De Lima ang hinihingi nitong ulat.

Matagal na umanong “misunderstood” ang istrukturang iyon, pero ito umano ay inookupahan ng mga Imam at ginagamit sa pagdarasal.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Sinabi naman ni De Lima na kanyang isasailalim niya sa verification ang ulat ng Bucor.