NAGKAISA ang ilan sa mga respetadong pangalan sa film/entertainment industry para sa Sine, Laging Kasama, isang special documentary film ng Cinema One na ipapalabas ngayong Linggo (Disyembre 14).

Tampok sa documentary ang mga haligi sa industriya na sina ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio, Cinema One Channel Head Ronald Arguelles, batikang actor na si Joel Torre, at award-winning directors na sina Brillante Mendoza, Erik Matti, Wenn Deramas, at Chris Martinez. Idedetalye nila ang mayamang kasaysayan ng Philippine films at ang kahalagahan nito sa bagong henerasyon.

Ang Sine, Laging Kasama ay isa sa milestone projects ng Cinema One na nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo. Handog nila ang espesyal na documentary sa lahat ng loyal viewers na nagpapanatili sa Cinema One bilang numero unong cable channel sa bansa.

Simula 2011, nangunguna na ang Cinema One at natalo ang viewership ng mga lokal at maging foreign cable channels.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Sine, Laging Kasama ay mapapanood ngayong araw (Disyembre 14), 10:00 PM na susundan naman ng Cinema One 20thAnniversary Special, 11:30PM. Ang replay ng Sine, Laging Kasama ay mapapanood sa Disyembre 20 (Sabado), 11:00PM at Disyembre 27 (Sabado), 12 PM.