Bimby, Kris and Josh

SINULAT namin kamakailan na sa Japan sasalubungin ang Bagong Taon ng mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino dahil gustong ma-experience ng mga anak niya ang snow, katulad ng naranasan niya noong bata pa siya nang tumira ang pamilya nila sa Boston.

Aalis sila dapat earlier pero mauurong ang biyahe ng mag-iina dahil importante para sa Queen of All Media ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Disyembre 30. Isa siya sa mga ninang, kaya nga binibiro siya ng friends niya na may bago na raw siyang tagline, ‘Ninang of All Media’.

“Naku, because of them, talagang aalis kami dapat,” sabi ni Kris sa presscon ng Feng Shui 2. “So, na-move lahat, sa December 31 na lang kami aalis ng mga kids. I promised the kids kasi a white mountainside holiday.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Kasi, they never saw snow na totoong snow. Pupunta kami ng Japan. Aalis kami ng December 31. ‘Tapos, ninang kasi ako ulit ng January 6, non-showbiz friend naman.”

Sa dami ng trabaho, may re-shoot pa sila sa Feng Shui 2, hindi sila nakadalo ni Boy Abunda sa kasal nina JC Intal at Bianca Gonzales, sa Lagen, Palawan kaya ang regalo niya ay personal na lang niyang inabot sa mga bagong kasal.

“Tickets are all ready, pero parang kinabahan siya (Boy). ‘Yung parang may agam-agam ba ang tawag du’n? May feeling daw siya na parang ayaw niyang tumuloy. So, okay, if you’re feeling that way, let’s not.

“Actually, after that, meron pa akong isang wedding, partner ko sa Chow King, December 20. Yes, hindi na ako Queen of All Media, Ninang of All Media na!” natawang sabi ng TV host/actress.

Samantala, inamin naman ni Kris na nag-re-shoot at nagdagdag talaga sila ng mga eksena sa Feng Shui base sa idea ni Coco Martin na inaprubahan naman ng direktor na si Chito Roño at ng Star Cinema.

Mapapanood simula Disyembre 25 ang Feng Shui 2, entry ng Star Cinema sa 2014 Metro Manila Film Festival.