Nangangailangan ang Manila City Hall ng 20,000 volunteer bilang human chain na magbabarikada sa rutang daraanan ni Pope Francis sa gagawin nitong pagbisita sa bansa sa Enero 15-19, 2015.

Layunin ng naturang human chain na maiwasang maharang o dumugin ang Papal convoy.

Kaugnay nito, inatasan na ng local government ang bawat barangay sa lungsod upang kumilatis at mag-recruit ng 30 volunteer para siguruhing wala sa kanila ang manggugulo.

Ang volunteers ay sasailalim sa briefing para sa kanilang pagbabarikada. Bagamat walang allowance, may libreng t-shirt naman at pagkain ang mga nais maging volunteer.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga nais umanong maging volunteer ay maaaring makipag-ugnayan sa mga chairman ng barangay sa kanilang lugar. Ilan sa mga lugar na dadalawin ni Pope Francis sa Maynila ay ang Malacañang, Rizal Park, Manila Cathedral at University of Sto. Tomas (UST).