BACOLOD CITY- Ipinamalas ng isang tricycle driver ang katapatan matapos na isauli ang iniulat na ninakaw na isang mamahaling bisikleta ng atletang kasali sa ginaganap na 2014 Batang Pinoy National Finals dito.

"Nahulog po iyong bike mula sa itaas ng bus. Medyo mabilis po ang andar kaya hindi namin naihabol. Hinanap din po namin sa Facebook iyong may-ari kasi mayroong pangalan iyong bike. Noong napanood na lang po namin sa TV saka namin nahanap iyong may-ari," sinabi ng nakapulot na si Allan Sy, na mula mismo sa Bacolod City.

Una nang iniulat na ninakaw ang bisekleta na pag-aari ng 14-anyos na si Tomas Mohares na nagawang magwagi ng gintong medalya na gamit ang hiram na bisekleta sa Boys 13-15 38km massed start criterium race sa Airport access road sa Talisay kung saan ay naitala nita ang oras na 1.13'47'38.

Ikinatuwa naman ni Bacolod City Mayor at dating Congressman Monico Puentevella ang pagkakahanap sa nawalang bisekleta at pagsauli ng matapat na tricyle driver na agad nitong biniyayaan ng gantimpala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, humakot ng kabuuang 19 ginto, 18 pilak at 13 tanso para sa kabuuang 50 medalya ang Quezon City sa pagtatapos ng kompetisyon sa swimming. Pumangalawa ang Muntinlupa na may 10-0-1 (ginto-pilak-tanso) at ikatlo ang Makati City sa 6-1-3 para sa lO medalya. Ikaapat ang Manila (4-4-2=10) at ikalima ang Laguna (4-4-1 =9).

Humakot ng tig-5 gintong medalya sa swimming sina Maurice Sacho Ilustre at Marco Austriaco ng Muntinlupa, Kirsten Chloe Daos ng Quezon City at Therese Samantha Coronel ng Makati City habang may 4 ginto sina Jose Mari Arcilla ng Rizal, Martin Seth at Joshua Taleon ng QC, Zoe Marie Hilario ng Davao City at Nichole Meah Pamintuan ng Laguna.

May tig-3 ginto sina Bernice Arabell Eleterio ng Panabo City, Ethan Roy Go ng Tanauan City, Regina Mareia Castrillo ng Maynila at Terence Matthey Buico at Raphael Henrico Santos ng Quezon City.

Agad namang uminit ang aksiyon sa pagsisimula ng kompetisyon sa athletics matapos paghatianng Candon City, Taguig City at kadarating pa lamang na Team Pangasinan ang unang tationg gin tong medal yang pinaglabanan.

Iniuwi ng lS-anyos na si James Galima ng Can don National High School ang gin to sa 5,000m run sa itinalang 16:51 segundo kasunod ang Cebu Province habang pumangatio ang Agusan Del Sur na si Raymundo Lopez.

"Napakataas na ngayon ng ating level of competition," sabi ni Batang Pinoy Commissioner-In-charge at PSC Commissioner Atty. Jose Luis Gomez.

"I was told that eight U AAP athletics records were broken this year by no less than the athletes that are products of Batang Pinoy," ayon pa kay Gomez.

Nagwagi naman sa 2,000m walk ang back-to-back Luzon leg champion at ngayon ay two-time Finals gold medalist na si Mariz Saba do ng Team Pangasinan sa isinumiteng 10:22.6 segundo. Ikalawa si Theresa Eleria (10:23.00) at ikatlo si Theresa Pantaliano (10:43.00).

Hinablot ni Gianeli Batingan ng Taguig City ang gintong medalya sa girls long jump mula sa tinalong 5.64 metro. Pumangalawa si Trexie Dela Torre ng Negros Occidental sa layong 5.00 metro para sa pilak habang ikatlo si Sheila Talja ng Aklan (4.89 metro).