Nakatakdang umalis bukas (Disyembre 14) ang anim-kataong delegasyon ng Pilipinas, na pinamumunuannina Tourism Undersecretary at Chief Operating Officer Domingo Ramon Enerio III, PBA chairman at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) founding executive director Gregory Patrick Gregorio, at SBP executive director Sonny Barrios, patungong Geneva, Switzerland upang dumalo sa 2019 FIBA Basketball World Cup Bid Workshop, para sa kanilang hangad na maging punong-abala sa global tournament na idinaos kamakailan sa Spain.

Kasama rin sa grupo sina SBP deputy executive director for international affairs Butch Antonio, SBP logistics consultant Andrew Teh, at Sean Nicholls, presidente ng Sydney-based na Octagon Asia-Pacific, isang tanyag na sports marketing and advertising firm.

“We are very serious about the bid process and we will be there to win it,” ayon kay SBP vice chairman Ricky Vargas.

“SBP president Manny V. Pangilinan wants to make an impression on the seriousness of our bid so that aside from SBP officials, we have requested DOT Undersecretary Enerio and Octagon Asia president Nicholls to join,” pahayag naman ni Barrios. “We expect our Pilipinas team to put our best foot forward in the FIBA Workshop.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Una nang nakipagpulong ang mga opisyal ng SBP kay DOT Secretary Ramon Jimenez na nagpahayag naman ng kanyang malaking interes sa proyekto na nakikita niyang may malaking maibibigay na benepisyo sa turismo ng bansa kaya inatasan niya si Usec. Enerio para sumama sa delegasyon.

Ang workshop ay nakatakdang ganapin sa Disyembre 15 at 16 bilang second item sa candidate phase ng FIBA World Cup bidding calendar kasunod ng expression of interest at applicant phases.

Kasunod naman nito ang on-site inspection ng mga matataas na opisyal ng FIBA sa Enero 2015 bago ang pagsusumite ng final candidature files sa Abril, ang final bid presentations at maging ang pag-anunsiyo ng napiling host nation ng FIBA Central Board sa Mayo.

Kasama ng Pilipinas na nagpahayag ng kanilang intensiyon para mag-host ay ang Brazil noon pang nakaraang Setyembre.

Ang iba pang inaasahan na magbi-bid ay ang Germany, France, China, Turkey, Lithuania, Russia at Mexico.

Dalawang beses nang nakapag-host ang Brazil sa FIBA World Cup noong 1954 at 1963, habang nakapag-host naman ang Pilipinas noong 1978.

Tatlong venues ang nakikitang makakaakit sa mga bibisitang FIBA inspection team sa isang taon na kinabibilangan ng makasaysayang Araneta Coliseum, ang state-of-the-art MOA Arena at ang 55,000-capacity Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kinukonsidera rin ng SBP ang isang sports venue ng SM Group na balak ipatayo sa Cebu at ang isa pang plano ng Solaire Group sa Entertainment City sa Pasay.