CABANATUAN CITY— Swabe na ang biyahe mula sa North Luzon Expressway (NLEX) patungong hilaga ng Bulacan, Nueva Ecija hanggang Cagayan Valley matapos palawakin ng Department of Public Works & Highways (DPWH) ang tatlong tulay sa Baliwag, Bulacan.

Ayon kay Engr. Ruel Angeles ng 1st Bulacan Engineering District, unang linaparan ang tulay sa Tarcan na may habang 15.84 linear meters na umabot sa halagang P15.2 bilyon.

Habang dalawang tulay naman ang sabay na nilaparan sa Tangos. Ang Tangos bridge-1 ay nagkakahalaga ng P11.9 milyon at ang Tangos bridge-2 ay umabot sa P15-milyon.

Sinabi rin ni Angeles na nakatakda na niyang isunod ang lahat ng tulay na babagtasin ng Daang Maharlika mula Guiguinto hanggang San Miguel.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho