Naniniwala si Senator Serge Osmeña na hindi na kailangan ni Pangulong Aquino ang emergency power upang matugunan ang problema sa kakulangan ng supply ng kuryente.
Ayon kay Osmena, mayroong mga alternatibong pagkukunan ng kuryente ang bansa at kailangan lamang na linangin at tutukan ito ng pamahalaan.
Nauna ng inaprubahan ng Kamara na bigyang emergency power si Pangulo Aquino nitong Myerkules.
Subalit ayon kay Osmeña, may katiyakan na rin mula sa power sector na may sapat silang kakayahan para matugunan ang problema sa kuryente.
Naniniwala naman ang consumer group na People Opposed to Unwarranted Electricity Rates (POWER) na magbubunsod lamang ito ng pang-aabuso mula sa sangay ng Ehekutibo
“This is like giving the President a bazooka to kill a fly when all that is needed is a fly swatter,” ayon kay POWER Convenor at dating congressman Teddy Casiño.
Nanawagan din ang dating mambabatas sa Senado na ibasura nila ang panukalang emergency power.