Umalma si Iligan City Mayor Celso Regencia sa mga akusasyon ni Iligan City Lone District Rep. Vicente Belmonte Jr., na siya ang nasa likod nang pananambang sa convoy na ikinamatay ng mga body guard nito sa bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental noong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Regencia na siya ay nagugulat sa akusasyon ni Belmonte dahil wala siyang alam sa nasabing pangyayari.

Ayon kay Regencia, bukas siya sa anumang imbestigasyon upang mabigyang linaw ang nangyari kay Belmonte.

Binanggit ni Belmonte na dahil sa plano niyang pagtakbo bilang alkalde sa lungsod ng Iligan sa 2016 ay pinag-interesan ang kanyang buhay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Galing sa Laguindingan Airport ang convoy ni Belmonte nang tambangan ito ng grupo ng armadong kalalakihan na nagresulta sa pagkasawi ng apat katao at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Kabilang sa mga nasawi sina PO3 Mark Andres, Eustaquio “Yoyong” Silawan at Ian Dumaguing.

Bukod kay Belmonte sugatan din sina Rio Don, SPO1 Roel “Taweng” Viejo, Noel Jo. Si Belmonte ay chairman ng House committee on dangerous drugs at kilalang kontra sa Bangsamoro Basic Law (BBL).