Tinukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang grupong Al Khobar bilang suspek sa pagpapasabog sa bus ng Rural Transit Mindanao Inc.(RTMI) na ikinamatay ng 11 katao at ikinasugat ng 42 biktima sa Musuan, Barangay Dologon, Maramag, Bukidnon noong Martes.

Sinabi ni Supt Bernard Mendoza, tagapagsalita ng PNP-Region 10 Police Office, ang naglagay ng improvised explosive device (IED) gamit ang 81mm mortar at cellphone bilang triggering detonator ay kinilalang si Macmoud Manikbil na nagmula umano sa lungsod ng Kidapawan.

Ayon kay Mendoza, aktibong miyembro ng Al Khobar si Macmoud na tumatanggap ng direktang utos mula kay Salahuddin Hassan, ang tagapagtatag ng grupo at kasapi rin ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Inihayag ni Mendoza na ang grupo rin ni Manikbil at Hassan ang nasa likod ng pambobomba sa Kabacan, North Cotabato noong nakaraang mga buwan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Hassan ay pinaghahanap ngayon makaraang tumakas mula sa Cotabato Provincial Jail.

Nagpadala pa umano ng text message ang mga suspek sa RTMIDavao at sinabing mayroon pang susunod na mangyayari.